Sa panayam ng ‘Saksi sa Dobol B’ ng Super Radyo DZBB ngayong Lunes, Pebrero 23, sinabi ni Prof. Dean Ralph Sarmiento ng University of St. La Salle–Bacolod na hindi kailangang may basehan ang lahat ng charges laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
“In this particular case tatlo ‘yung… charges. So tatlong counts ng murder… crimes against humanity… basta may isa lang po du’n na ma-confirm ng ICC then it will go to trial,” saad ni Sarmiento.
Aniya, kahit isa lamang sa tatlong kaso ang mahanapan ng sapat na ebidensya o mapatunayan ng International Criminal Court (ICC) ay tutuloy pa rin ang kaso ni Digong sa trial proper.
“Tatlong counts ‘yun, kung hindi ma-confirm ‘yung dalawa so, technically, madi-dismiss na po ‘yun,” dagdag ni Sarmiento.
Samantala, magsisimula ngayong araw ang confirmation of charges hearing sa kaso ni Digong sa ICC.
Ulat ni Ansherina Baes
