Noong Pebrero 20, 2017, kinumpirma ni retired SPO3 Arthur Lascañas na totoo ang umano’y Davao Death Squad (DDS).
Ibinunyag niya rin na si dating pangulong Rodrigo Duterte, na noon ay alkalde pa lamang ng Davao City, ang umano’y nag-utos ng mga pagpatay sa lungsod, kabilang ang pagpaslang sa broadcaster na si Jun Pala noong 2003.
Si Lascañas ang ikalawang self-confessed hitman, maliban kay Edgar Matobato, na nagkumpirma sa umano’y ugnayan ni Duterte sa DDS, na isa umanong hit squad.
“I feared for the life of my loved ones,” ani Lascañas sa Senado nang tanungin kung bakit una niyang itinanggi ang mga sinabi ni Matobato.
“My friend, I’m sorry, but I have to defend our country, not you,” mensahe pa ni Lascañas kay Duterte sa isang panayam sa Vera Files.
Ulat ni Bea Tanierla
