Idineklara ng House Committee on Justice na sufficient in form ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Tinalakay sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Justice ngayong Lunes, Pebrero 2, ang dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at pinagbotohan kung sufficient in form ang dalawang reklamo.
Sa deliberasyon ng komite, ang naunang impeachment complaint na inihain ni Atty. Andre De Jesus noong Enero 19, 2026 ay idineklara bilang sufficient in form kung saan 46 ang bumotong pabor, isa ang hindi pabor, at isa ang nag-abstain.
Gayundin sa pangalawang impeachment complaint na inihain ni dating Gabriela congresswoman Liza Maza at kanyang mga kasamahan, kung saan sa botong 35-9-1 ay idineklara itong sufficient in form.
Ulat ni Jilliane Libunao
