Isiniwalat ni Atty. Mae Divinagracia ang misteryosong pagkawala na mistulang bula ng anim na kahon ng mahahalagang dokumento na pinangangalagaan ng yumaong Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Maria Catalina ‘Cathy’ Cabral na may kinalaman sa mga proyekto ng ahensiya simula 2023 hanggang 2025.
“We don’t have it in our possession. The family don’t know where they are. So, we don’t know exactly…at the moment,” sabi ni Divinigracia, legal counsel ni Cabral.
“Some of those would relate to the annual budget proposals of the DPWH spanning the years 2023 to 2024,” sabi ni Divinagracia sa panayam ng beteranong brodkaster na si Karen Davila sa ANC ngayong Lunes, Enero 5.
Ayon sa abogado, sinala pa ni Cabral ang mga naturang files para matiyak na ang mga relevant information lamang ang matitira. Ginawa ito ni Cathy matapos siyang idawit ni dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo sa multi-bilyong pisong flood control project scam at bago siya natagpuang pat@y sa gilid ng Bued River sa Tuba, Benguet noong Disyembre 18.
At nang tanungin ni Davila kung ano ang mga impormasyong nilalaman ng mga dokumentong nawawala, ang sagot ni Atty. Mae: “Mayroong mga request. Mayroong mga notes from the secretary (Manuel Bonoan). Some Mayroong names ng proponents. Some parang tabular lists of projects.”
“The boxes have not yet been surrendered to us. ‘Yun ang hindi namin alam,” giit ni Divinagracia.
Dagdag ni Divinagracia, inilabas umano ni Cathy sa bahay nito ang nasabing mga kahon ng mga dokumento, pero hindi na umano ito matagpuan sa ngayon.
