Inilabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa press conference noong Huwebes, Disyembre 18, ang listahan ng mga pangalan na ini-refer ng ahensiya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na kasuhan.
Kabilang sa 87 personalidad na pinakakasuhan ng DPWH ay sina dating House speaker Martin Romualdez, former Ako Bicol Rep. Zaldy Co, Sarah Discaya, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, at ilan pang DPWH officials.
“Hindi kaunti ‘yan, at hindi maliliit na pangalan ang ni-refer ng ICI at DPWH,” ani Dizon.
“Sabi nga ng Pangulo at Ombudsman, kailangan kapag magpa-file ng kaso sa korte, matibay ang kaso,” dagdag pa nito.
Ulat ni Bea Tanierla
