Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang talagang handa umano na maging lider ng Pilipinas.
“Nakikita natin ang trabaho ng Pangulo, araw-araw, hindi humihinto sa pagtatrabaho. Ni hindi nga po nakakapagbakasyon… So sino po ba talaga ang ready na maging lider ng bansa? Walang iba kundi ang Pangulong Marcos Jr.,” sabi ni Castro.
Ito ay matapos siyang tanungin sa press briefing ng Malacañang ngayong Miyerkules, Nobyembre 26, hinggil sa “fitness to lead” ni Pangulong Marcos Jr. kaugnay sa mga usapin ng succession at transition councils.
“Tinatanong pa po ba ‘yan? Of course. Nakikita natin ang trabaho ng Pangulo,” ani Castro.
Ulat ni Jilliane Libunao
