Pinangalanan ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo ang mga nakatanggap diumano ng kickback mula sa mga infrastructure projects, partikular sa flood control.
Sinabi ni Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Biyernes, Nobyembre 14, tumanggap ng 25 porsyentong ‘commitment’ o kickback si dating senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. noong 2024.
Nakatanggap naman ng 12 hanggang 15 porsyentong kickback si dating Sen. Nancy Binay mula sa mga infrastructure projects noong 2022 hanggang 2025.
Kumolekta naman si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero ng 20 porsyentong kickback mula sa P1.4 bilyong flood control projects sa Marinduque, Oriental Mindoro, at Quezon City.
Nasa 20 porsyento rin ang natanggap na kickback ni dating Senate Finance Committee chairperson Grace Poe mula sa mga infrastructure projects.
Ayon pa kay Bernardo, nasa 25 porsyento ang kickback na natanggap ni Sen. Jinggoy Estrada mula sa ilang flood control projects ng DPWH.
Samantala, nakatanggap ng 50 porsyentong kickback ang I&E Construction ni Carlo Aguilar mula sa mga infrastructure projects na diumano’y para kay dating DPWH Sec. Mark Villar, habang 25 porsyento ang nakuha na kickback ni Bernardo.
Ulat ni Ansherina Baes
