Patung-patong na reklamo, kabilang ang graft, technical malversation, falsification, at gross misconduct, ang inihain sa Ombudsman ng isang abogado nitong Biyernes, Nobyembre 14, laban kay Sen. Chiz Escudero at mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) sa Sorsogon matapos ang diumano’y pagkakasangkot sa “systematic corruption” sa lalawigan.
Ayon sa isinampang reklamo ni Atty. Eldrige Marvin Aceron, sangkot umano si Sen. Chiz kasama ang mga miyembro ng BAC sa mga finance irregularities na umabot sa mahigit P352 milyon noong termino ng senador bilang gobernador ng Sorsogon.
Batay pa sa reklamo, ito ay dahil sa umano’y mga paglabag na tinukoy sa 2021 report ng Commission on Audit (COA) tungkol sa pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
