Sa isang 18-page request ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, hiniling nila sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber 1 na alisin ang isa sa mga medical expert na naka-assign kay Digong upang suriin ang kanyang “fitness to stand trial.”

“The Pre-Trial Chamber is requested immediately to revoke the mandate that it has provided to Dr [Redacted] without him being afforded access to Mr Duterte’s private medical information,” saad sa urgent request ng kampo ni Duterte.

Ito umano ay dahil sa mga “offensive, inappropriate, disrespectful, and unprofessional” social media posts ng naturang expert na nagpapakita ng “lack of professionalism, respectability, and suitability to provide expertise at the International Criminal Court.”

Dahil umano sa mga naturang post ng nasabing expert, naniniwala sila na hindi nito maibibigay ang “truly independent and impartial expertise” nang walang pamumulitika o bias na inaashan nila mula sa isang expert na in-appoint ng ICC.

Agad naman na hiniling ng kampo ni Digong sa international tribunal na palitan ang medical expert, na siyang ipinalit ng ICC sa naunang medical expert na pinapalitan din ng defense camp ni Digong.

Hiniling din muli ng kampo ni Digong sa Chamber na i-adjourn ang proceedings laban sa dating pangulo dahil sa pagiging “unfit to stand trial” nito.

Ulat ni Ansherina Baes