Naghain si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa Office of the Ombudsman noong Martes, Oktubre 21, ng reklamong plunder at graft laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang kaalyado sa pulitika na si Sen. Christopher ‘Bong’ Go.
Kaugnay ito sa diumano’y pagkakasangkot nina Duterte at Go sa pagbibigay ng P7 bilyong halaga ng proyektong imprastraktura sa kapatid ng senador at ama na may-ari ng isang construction company noong termino ni Digong.
Bukod dito, kinasuhan din ni Trillanes ang dalawa ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Ulat ni Ansherina Baes
