Hindi sang-ayon ang 34 na porsyentong Pilipino sa naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa resulta ng WR Numero survey, nasa 34 na porsyento ng Pilipino ang hindi sang-ayon sa naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang impeachment complaint laban kay VP Sara habang 26 na porsyento ang sang-ayon dito.

Subalit, ayon kay Cleve Arguelles, WR Numero president at political scientist, tila may ‘big difference’ umano sa pagitan ng bilang ng mga Pinoy na sang-ayon sa naturang desisyon at sa 58 porsyentong nagsasabi na masaya sila sa performance ng Korte.

Nagpapakita umano ito ng “active indecision” na hindi dapat balewalain, ayon kay Arguelles.

Bukod pa rito, ipinapakita umano ng survey na nasa 43 porsyento ng mga respondents ang walang alam sa mga alegasyon at ebidensyang binanggit sa impeachment complaint laban kay VP Sara.

Ulat ni Ansherina Baes