Iginiit ng constitutionalist na si Atty. Antonio La Viña na magpapatuloy pa rin ang nakatakdang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kahit na kukuwestiyunin umano ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang hurisdiksiyon ng Senado sa kaso.

“‘Yung impeachment kasi nagpapatuloy ‘yon, kahit na nagbago po ang Kongreso,” giit ng constitutionalist na si Atty. Antonio La Viña.

“Ang pinakaunang motion ko is to determine whether or not the Senate of the 20th Congress is willing to be bound by the actions of the previous Senate,” saad ni Sen. Bato sa isang press conference nitong Miyerkules, Hulyo 9.

“Nagtatanong tayo ng jurisdiction ng bagong Congress dahil nga iba na ang composition,” dagdag pa ng senador.

Ayon naman kay Atty. Viña, mali umano si Sen. Bato sa kanyang katwiran dahil “‘yung Senate is a continuing body.”

Ulat ni Jilliane Libunao