Sa isinagawang survey ng Tangere nitong Hunyo 16-17, lumabas na tutol ang 57 porsyento ng mga Pilipino sa desisyon ng Senado na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa naturang porsyento, 23 porsyento rito ang nagsasabing hindi sila sumasang-ayon dito dahil ito ay labag sa Konstitusyon habang 22 porsyento ang nagsabing pinababagal lamang nito ang proseso ng impeachment.

Samantala, natagpuan sa naturang survey na 20 porsyento ng mga Pinoy ang sang-ayon na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment habang 23 porsyento ang hindi pa sigurado.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *