Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa kanyang press conference noong Lunes, Hunyo 9, na ginagalang niya ang sinumang nadidismaya dahil sa pagkaantala ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

“Ginagalang ko ‘yung pagkadismaya nila, karapatan nila ‘yon. Pero hindi porket nadidismaya sila, sinuman sila, at hindi porket nagmamadali sila, at gigil, at gustong-gusto nila ‘to ay susunod kami bagaman labag ito, hindi lamang sa Constitution at sa batas, pero sa pagpapasya ng Senado kaugnay sa mga dapat naming ipasa,” saad ni Escudero.

Subalit, hindi umano porket nadidismaya at nagmamadali sila ay susundin na ng Senado ang kagustuhan ng mga ito na simulan na ang impeachment trial.

Ito umano ay dahil labag ito sa batas hindi lamang umano sa Konstitusyon, kundi sa “pagpapasya ng Senado kaugnay sa mga dapat naming ipasa.”

Sinabi ito ni Escudero sa kabila ng panawagan ng mga iba’t ibang unibersidad sa Pilipinas na mag-convene ang impeachment court at simulan na ang impeachment trial laban kay VP Sara.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *