Sa 54th session ng Senado noong Lunes, Hunyo 9, sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na aminado siya na inuulan na ng batikos ang Senado dahil sa matagal na pagkakaantala ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
“Minority na nga ako, but I am also being hit by attacks against the Senate. How much more kayo pang nasa majority,” saad ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.
Ito ay sa kabila ng kanyang walang tigil na paghimok sa kanyang mga Kabara na simulan na ang impeachment dahil ito ay naaayon sa Konstitusyon, lalo na tungkol sa salitang “forthwith” na mainit na tinatalakay ng mga pro at anti-impeachment groups.
“We should all be concerned on what is happening,” giit ni Sen. Koko.