Nakasaad sa website ng International Criminal Court (ICC) na may kapangyarihan ito upang ipa-freeze ang mga ari-arian ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang umuusad ang paglilitis sa kasong crimes against humanity na kanyang kinahaharap.

Ang nakaambang pagpipigil sa mga ari-arian, kabilang ang mga bank accounts ni Duterte ay upang matiyak na may pambayad ang akusado sa mga biktima diumano ng extrajudicial killings (EKJs) na napatay sa pagpapatupad ng ‘c’ ng nakaraang administrasyon.

Matatandaan na ibinulgar ng noo’y Senator Antonio Trillanes IV ang diumano’y P2 billion bank transactions ni Digong noong ito ay nasa poder pa, sa privilege speech ng mambabatas noong Oktubre 2017.

Sa ginanap na pagdinig ng House Quad Committee hearing noong Nobyembre 2024, sinabi ng dating senador na umabot sa P2.4 bilyon ang inilipat diumano ni Sammy Uy, isang pinaghihinalaang drug lord, kay Duterte simula 2007 hanggang 2015.

Dahil dito, binansagan ni Trillanes ang ‘war on drugs’ ni Duterte na isang “moro-morong kampanya” kung saan ang pangunahing layunin nito ay proteksiyunan ang mga sindikato ng droga na kakampi ni Digong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *