Kakasuhan umano ng isang pulis si Honeylet Avanceña, asawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos niyang makatamo ng malaking bukol sa noo nang batuhin siya ni Honeylet ng cellphone sa gitna ng pagpapatupad ng Interpol notice nitong Martes, Marso 11.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson BGen. Jean Fajardo ngayong Huwebes, Marso 13, pursigido umano ang pulis na magsampa ng kasong direct assault matapos ang insidente.

Kabilang ang naturang pulis sa pumaligid kay Honeylet at kay Kitty, anak ng dating Pangulo, upang bigyang-daan ang mga pulis na makalapit kay dating Pangulong Duterte.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *