Inihayag ni Tingog Rep. Jude Acidre sa press conference ng Kamara de Representantes ngayong Miyerkules, Marso 12, na ang umano’y highlight ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay ang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK).
“I think we owe it to them (EJK victims) to make sure na simulan na yung healing, but that healing will come only through one thing—through justice,” saad ni Acidre.
Aniya, iniiwasan niya ang mga salitang “thanksgiving” at “celebration” dahil ayon sa isang ina ng EJK victim na kanyang nakausap, nakakalungkot umano na kinailangan pang tumulong ng korte sa ibang bansa para lamang managot ang dating pangulo sa kanyang mga krimen.
Binigyang-diin niya na hindi lamang ito panahon ng pagdiriwang kundi ang pagsisimula ng paghihilom lalong-lalo na sa mga pamilya ng EJK victims.
“Kasama po sa paghihilom ang paghahanap ng katarungan at pagbibigay pananagutan sa taong posible diumano’y nagsimula at nagutos ng mga pangyayaring ito,” saad ni Acidre.
Ulat ni Ansherina Baes