Inihayag ng media personality na si Malou Tiquia nitong Martes, Pebrero 11, na nakausap niya si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder at “Appointed Son of God” Apollo Quiboloy na tumatakbo sa pagkasenador.
“Nagkausap kami ni Pastor Quiboloy at naalala ko at nalaman ko, ‘Bakit ka, Sir, tumakbo?’ Ang sabi niya sa akin, ‘Ginulo nila ang buhay ko, ginulo nila ang ministeryo ko, ngayon, guguluhin ko sila,” saad ni Tiquia.
Aniya, tinanong niya ang senatorial aspirant kung bakit siya tumakbo sa pagkasenador sa darating na May 12 elections.
Sinabi naman ni Quiboloy na: “Ginulo nila ang buhay ko, ginulo nila ang ministeryo ko, ngayon, guguluhin ko sila.”
Kasalukuyan siyang humaharap sa kasong human trafficking at iba pa habang kabilang naman si Tiquia sa mga ipinatawag ng House Tri Committee sa imbestigasyon nito sa umano’y fake news laban sa Kamara.
Ulat ni Ansheirna Baes