Hanggang sa huling hininga ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo ay kapakanan pa rin ng kanyang mga nasasakupan ang kanyang iniisip matapos ibunyag ng kanyang pamangkin, si Board Member Nyrth Degamo, ang mga huling salita ng gobernador pagkatapos itong pagbabarilin sa labas ng bahay sa Barangay San Isidro, Pamplona nitong Marso 4: “Tabang, ang mga tawo.”

Bukod kay Degamo, walong iba pa ang nasawi, kabilang ang ilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), dalawang opisyal ng barangay, at tatlong bodyguards nito, habang 16 ang sugatan.

ByRAD