Itinanggi ng Malacañang ang akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ‘kidnapping’ umano ang ginawang pagdala sa kanya sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

“Meron tayong batas, RA 9851, kung saan isinasaad doon sa Section 17… kapag ang isang kaso ay dinidinig… sa ibang international tribunal ay maaari nating i-dispense with ang pag-iimbestiga dito,” paliwanag ni PCO Usec. Atty. Claire Castro.

Iginiit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na mayroong batas, ang Republic Act No. 9851, kung saan nakasaad sa Section 17 na kapag ang isang kaso ay iniimbestigahan sa ibang state o international tribunal ay “maaari nating i-dispense with ang pag-iimbestiga dito.”

“Hayaan na ituloy na doon ang pag-iimbestiga at tuluyang pagdinig ng reklamo,” ani Castro sa isang panayam sa ‘Unang Balita’ ng GMA News ngayong Huwebes, Pebrero 19.

Sinabi rin ni Castro na sa ICC lamang nakapagsampa ng kaso ang mga biktima ng drvg war campaign dahil, aniya, “matatandaan natin, sinabi ni dating Pangulong Duterte na hindi siya maaaresto, hindi siya makukulong.”

“Kung ikaw ba nadinig iyon, na alam mong hindi makukulong ‘yung nagpap@tay sa mga kamag-anak mo, dito ka pa ba tatakbo sa Pilipinas?” dagdag pa niya.

Samantala, ipinaalam ni Digong sa ICC Pre-Trial Chamber I na hindi siya makikibahagi sa confirmation of charges hearing sa kanyang kaso sa Pebrero 23, 24, 26, at 27.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *