Sa Japan huling namataan si Cassandra Ong, ang representative ng Philippine offshore gaming operators (POGO) scam hub na Lucky South 99, ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio.
Inihayag ni Casio sa Saturday News Forum noong Sabado, Nobyembre 22, na huling namataan si Cassandra Li Ong sa Japan matapos itong palayain kamakailan.
Si Ong ay inakusahang isa sa mga representative ng POGO scam hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga na sinalakay ng mga awtoridad sa gitna ng imbestigasyon sa POGO hubs sa pangunguna ni Sen. Risa Hontiveros.
Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Finance sa proposed budget ng Department of Justice (DOJ) para sa 2026 noong Biyernes, Nobyembre 21, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na wala na sa kustodiya ng mga awtoridad si Ong dahil ito ay pinalaya matapos ang 19th Congress noong wala pa itong kaso sa korte.
Ngunit, ngayong mayroon na itong kaso na qualified human traff!cking, ay “at large” na ito, ayon kay Gatchalian.
Ulat ni Ansherina Baes
