Nagbabala si Sen. Sherwin Gatchalian na hindi umano sila magdadalawang-isip na alisin ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ilipat ito sa sektor ng edukasyon.

“Hindi kami magdadalawang-isip na i-zero (ang flood control budget) at ilagay na lang sa mga eskuwelahan kung ang itong flood control ay magiging ampaw lang na flood control at hindi magiging epektibo,” saad ni Gatchalian.

Ito umano ay kung mananatiling “substandard” o “ampaw” at hindi epektibo ang mga flood control projects na gagawin ng kagawaran.

“Dahil kung gagastos tayo ng P274 billion sa ampaw at hindi epektibong proyekto, ilagay na lang natin sa paaralan,” saad ni Sen. Gatchalian sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga diumano’y maanomalyang flood control projects sa bansa ngayong Martes, Agosto 19.

Ulat ni Ansherina Baes